Romualdez nagluksa sa pagpanaw ni Cavite Rep. Barzaga

Lubos na ikinalungkot ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpanaw ni Cavite 4th District Rep. Elpidio 'Pidi' Barzaga Jr.

Lubos na ikinalungkot ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpanaw ni Cavite 4th District Rep. Elpidio ‘Pidi’ Barzaga Jr.

“We are deeply saddened by Cong Pidi’s passing. The House of Representatives has just lost a great legal thinker and a smart number-cruncher,” pahayag ni Romualdez nitong Sabado, ilang oras matapos ianunsyo ang pagpanaw ni Barzaga.

Ayon kay Romualdez, si Barzaga ang nilalapitan sa Kamara pagdating sa mga isyung legal, dahil na rin sa propesyon nito bilang accountant at abogado.

“I myself consulted him on a number of legal issues,” kwento ng House Speaker. “He was always lending a helping hand. We will also remember him as an indefatigable lawmaker who made it a point to attend sessions and participate actively in committee hearings with extensive preparations.”

“Our prayers and thoughts go to Cong. Pidi’s family, especially his wife Mayor Jenny Barzaga, his sons and his constituents,” dagdag pa niya.

Sumakabilang buhay si Barzaga habang nasa San Francisco, California nitong Sabado sa edad na 74.

Nagsilbi siya bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Cavite mula 2007 at 2010, at kinatawan ng bagong buong ikaapat na distrito mula 2010 hanggang 2016, at mula 2019 hanggang sa kasalukuyan.