Romualdez naghatid serbisyong medikal sa mga magsasaka sa Iloilo

Personal na naghatid ng serbisyong medikal si House Speaker Martin Romualdez para sa mga magsasaka sa Iloilo sa isinagawang "Bantay Kalusugan Medical Mission."

Personal na naghatid ng serbisyong medikal si House Speaker Martin Romualdez para sa mga magsasaka sa Iloilo sa isinagawang “Bantay Kalusugan Medical Mission.”

Katuwang sina TINGOG Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, nagkaroon ng pagkakataon na makapagpa-check up ang mga magsasaka para malaman ang estado ng kanilang kalusugan.

Kabilang sa kanilang mga serbisyo ang pagbibigay ng libreng gamot, konsultasyon, laboratory, Xray, ECG, at ultrasound.

Sa ibinahaging video ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, pinasalamatan ni Igbaras Federation of Farmers Association President Fatima Ibanen si Romualdez at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Aniya, sa pamamagitan ng programang ito ay nabigyan na ng tuon at prayoridad ang mga magsasaka.

“Na-feel po namin na we’re so very important at nadidinig kami ng ating gobyerno,” ani Ibanen.

PANOORIN: