Romualdez nagbabala vs scammer na ginagamit kanyang pangalan

Nagbigay ng babala si House Speaker Martin Romualdez ukol sa mga scammer na ginagamit ang kanyang pangalan para makapanloko.

Nagbigay ng babala si House Speaker Martin Romualdez ukol sa mga scammer na ginagamit ang kanyang pangalan para makapanloko.

Ayon sa public advisory na inilabas ng opisina ni Romualdez, personal na nagmemensahe ang mga scammer sa kamag-anak, kaibigan, at kakilala nito upang makapanghingi ng pera.

“We have been made aware of fraudulent activities conducted by individuals who are impersonating Speaker Martin Romualdez. These scammers are reaching out to his friends, acquaintances, and the public through phone messages, falsely claiming to represent Speaker Romualdez,” nakasaad sa advisory.

“These fraudulent schemes involve the impersonation of Speaker Romualdez, with scammers typically requesting money under the pretense of urgency or confidentiality,” dagdag pa dito.

Dahil dito nakikipagtulungan na ang opisina ni Romualdez sa mga awtoridad upang matukoy ang tao sa likod ng panloloko.

“The office of Speaker Martin Romualdez strongly condemns these fraudulent practices and is collaborating with law enforcement agencies to identify and prosecute the perpetrators. We remain committed to safeguarding the public and maintaining the integrity of our office,” ayon sa advisory.