Romualdez nagalak sa positibong pagtanggap ng publiko sa Cha-cha

Ikinatuwa ni House Speaker Martin Romualdez ang resulta ng isang survey kung saan lumabas na marami sa mga Pilipino ang boto sa pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Ikinatuwa ni House Speaker Martin Romualdez ang resulta ng isang survey kung saan lumabas na marami sa mga Pilipino ang boto sa pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Sa isang survey ng data research firm na Tangere, lumabas na 52% ng mga Pinoy ang pabor sa Charter change o Cha-cha.

Ani Romualdez, senyales ito na bukas na ang isip ng maraming Pilipino tungkol sa pagbabago.

“We are determined to sustain this momentum and collaborate with all parties involved to realize the constitutional amendments that will pave the way for a more prosperous, just, and equitable future for the Philippines,” saad ng House Speaker.

“The approval for amending the Constitution, while slight, is nonetheless significant. It represents an evolving perspective among Filipinos, recognizing the potential benefits and the necessity of updating our nation’s charter to meet current and future challenges,” dagdag pa niya.

“As Speaker, the positive feedback and growing support from our constituents fortify my conviction in the vital mission to refine and enhance our constitutional framework. It propels us to advance our legislative responsibilities with increased dedication and resolve,” wika pa ni Romualdez.

Nitong linggo lang ay pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7, na mag-aamyenda sa ilang economic provisions ng Konstitusyon.