Romualdez nagalak, 95 kongresista present sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Tawi-Tawi

Dinayo ng abot sa 95 kongresista ang Tawi-Tawi para magpaabot ng tulong sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).

Dinayo ng abot sa 95 kongresista ang Tawi-Tawi para magpaabot ng tulong sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).

“Atin pong ikinagagalak ang presensya ng 95 na miyembro ng Kamara de Representantes dito sa BARMM, sa Tawi-Tawi. Hindi biro ang paglalakbay natin dito ngayon, pero hindi ito inalintana ng ating mga kasamahan para masaksihan ang programa ni Pangulong Marcos Jr.,” ayon kay Romualdez.

“At tunay naman na nakakaalis ng pagod ang makita natin ang ating mga kababayan na nagbebenepisyo sa mga programang ating pinopondohan sa Kongreso. Ang bawat numerong ating pinagdedebatehan sa Kamara ay may katumbas na pamilyang makikinabang sa ayudang ating aaprubahan,” aniya pa.

Kasama sa mga dumalo sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales II, Deputy Majority Leader David Suarez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, House Minority Leader Marcelino Libanan, Representatives Jurdin Jesu Romualdo, Rodge Gutierrez, Janette Garin Erwin Tulfo, Daphne Lagon, Geraldine Roman, Ernix Dionisio, Joel Chua, Edvic G. Yap, Maria Carmen Zamora, Tsuyoshi Anthony Horibata, Miguel Luis Villafuerte, Ron Salo, Francisco Jose Matugas, Maria Rachel Arenas, Gerville Luistro, Jose Teves Jr., at iba pa.

Bukod sa mga mambabatas, pumunta rin sa event si Tawi-Tawi Gov. Yshmael Sali.

Present din sina Basilan Governor Hadjiman Sabbihi Hataman-Salliman at Sulu Governor Abdusakur Mahail Tan.

“With this number of local and national officials witnessing how the BPSF truly serves the people, I will have no doubt that many more will join us in this very important endeavor. Sana sa susunod ay mas marami pa tayong maimbita dito sa BPSF,” wika pa ni Romualdez.