Romualdez nababahala sa 4 na Pinoy crew sa barkong hinostage ng Iran

Umaasa si House Speaker Martin Romualdez na mareresolba sa mapayapang paraan ang pag-hostage ng Iran sa isang barko kung saan apat na Pinoy ang nagsisilbi bilang crew.

Umaasa si House Speaker Martin Romualdez na mareresolba sa mapayapang paraan ang pag-hostage ng Iran sa isang barko kung saan apat na Pinoy ang nagsisilbi bilang crew.

Ang barkong MSC Aries ay pinasok ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran noong Sabado malapit sa Strait of Hormuz. Ito’y dahil sa suspetya ng Iran na konektado sa Israel ang barko, kahit pa watawat ng Portugal ang dala-dala nito.

May sakay na 25 crew ang MSC Aries, kung saan apat ang Pinoy.

Nag-aalala naman si Romualdez sa kalagayan ng mga Pinoy sa MSC Aries.

“In times of crisis, our foremost concern is the safety and security of our Filipino seafarers. We call for a peaceful resolution to swiftly resolve this distressing situation and ensure their prompt return home,” wika ng House Speaker.

“The seizure of the MSC Aries deeply troubles us because it poses a potential threat to the safety of our Filipino seafarers. Ensuring their safety and well-being is the government’s utmost priority,” giit pa niya.

“Now more than ever, global cooperation is essential to navigate through this challenging situation. We must work together towards a peaceful resolution to ensure the safety and well-being of all involved parties,” dagdag pa ng mambabatas.

Bukod pa rito, tiniyak ni Romualdez na ang Department of Migrant Workers ay nakatutok sa kalagayan ng apat na Pinoy sa naturang barko.

Siniguro rin ng mambabatas na tinutulungan din ng gobyerno ang kaanak ng mga ito.