Romualdez: Matatag, ligtas na bansa, hangad ng Kamara

Sa pagsasabatas ng Ease of Paying Taxes Act o Republic Act No. 11976 at sa pagpasa ng Kamara sa House Bill No. 9713, para na ring nakamit ng Pilipinas ang isang matatag at ligtas na katayuan ng isang bansa.

Ito ang naging highlight ng pahayag ni House Speaker Martin G. Romualdez sa harap ng iba pang mga mambabatas sa pagtatapos ng ikalawang regular na sesyon sa Kongreso.

“Our work in this session has been driven by a clear and compelling mission. Our focus: national security and economic transformation, which are key to improving the living condition for Filipinos,” aniya.

“Malinaw po ang misyon nating lahat. Kapayapaan sa buong bansa. Seguridad sa mga komunidad. Masiglang ekonomiya. Maunlad na kabuhayan para sa lahat. As always, we were faithful in fulfilling our solemn obligation.” dagdag niya.

Samantala, mas mahihikayat na rin ang mga Pilipino na mag-invest sa tulong ng Maharlika Investment Fund Act of 2023 or RA 11954 na makapagbubukas ng mga oportunidad para sa mga kapwa Pilipino.