Romualdez: Magtulong-tulong para sa ligtas, mapagkakatiwalaang BSKE

Umapela si House Speaker Martin Romualdez na hayaan ng lahat na manaig ang demokrasya sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections nitong Okubre 30.

May pakiusap si House Speaker Martin Romualdez sa mga kandidato at mga botante: “Act with civility, restraint, and respect for one another.”

Sa panawagang ito, binigyang diin ni Romualdez ang kahalagaan ng maayos, mapayapa, at magpagkakatiwalaang halalan—at mangyayari lamang ito kung magtutulungan ang lahat.

“We implore all candidates and their supporters to act with civility, restraint, and respect for one another. The true strength of our democracy lies in our ability to peacefully choose our local leaders,” saad ni Romualdez sa isang pahayag.

“Our barangays serve as the foundation of our nation’s governance. It is crucial that these elections take place in an atmosphere of tranquility and respect for the rule of law,” dagdag pa ng speaker.

Pinaalala rin niya na ang ligtas na halalan ay mahalaga upang mapangalagaan at maproteksiyunan ang mga karapatan ng lahat ng mamamayan, kung kaya’t dapat magbantay ang lahat.

“The security of the electoral process is essential to prevent any undue influence, manipulation, or discrimination,” sabi pa ni Romualdez.

Ito rin aniya ang essence ng demokrasya.