Romualdez maglalaan P10B pondo para sa pabahay

Nangako si House of Representatives Speaker Martin Romualdez na susuportahan ng Kamara ang subsidiya para sa proyektong pabahay ng gobyerno para sa mga mahihirap.

Nangako si House of Representatives Speaker Martin Romualdez na susuportahan ng Kamara ang subsidiya para sa proyektong pabahay ng gobyerno para sa mga mahihirap.

Ito ay matapos hilingin ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jerry Acuzar ang P10 bilyong halaga ng subsidiya sa pagsusuri ng site ng low-cost housing program sa San Mateo, Rizal.

“Initially, our calculation is at least P10 billion. Mukhang makukuha natin ‘yan. We’re hoping that, as you can see, our national budget increases every year,” wika ni Romualdez.

Inaasahang nasa 4,000 pamilya ang magiging benepisyaryo ng naturang pabahay.

Ang bawat unit umano ay may sukat na 24 hanggang 27 metro kwadrado.

Samantala, patuloy pa rin ang pag-uusap tungkol sa magiging presyo ng bawat unit.