Romualdez: Lahat uunlad sa ‘Bagong Pilipinas’

Kaisa si House Speaker Martin Romualdez sa 'Bagong Pilipinas' na inilunsad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaisa si House Speaker Martin Romualdez sa ‘Bagong Pilipinas’ na inilunsad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Siquijor nitong Linggo, nagpaabot ng tulong ang gobyerno sa abot 50,000 benificaries sa probinsya.

Abot sa P300,000 halaga ng cash assistance at programa para sa mga residente ang pinagkaloob sa mga taga-Siquijor nitong Linggo.

“Sa Bagong Pilipinas, lahat kasama sa pag-unlad. Pinakamaliit man ang Siquijor sa mga lalawigan ng Central Visayas, kasama pa din po kayo sa Bagong Pilipinas. Patunay dito ang paglunsad ngayon ng Serbisyo Fair sa inyong lugar,” ayon kay Romualdez.

Ang Serbisyo Fair sa Siquijor ay una sa Central Visayas bilang patunay ang katuparan sa pangako ni Marcos na mararanasan ng kahit nasa malalayo ang mga proyektong pinagkaloob ng gobyerno.

“Ito po ang Bagong Pilipinas – pamamahalang nagmamahal, hindi lang sa salita, kundi sa gawa; hindi naghihintay, bagkus ay kusa at dagliang lumalapit para matugunan ang mga pangangailangan ng taongbayan tungo sa sama-sama nating pa-unlad,” sambit pa ni Romualdez.