Romualdez, kumpiyansang lulusot economic Cha-cha sa Senado

Positibo si House Speaker Martin G. Romualdez na ikokonsidera ng Senado ang panukalang pag-amyenda sa economic provision ng 1987 Philippine Constitution sa gitna ng pagpapalit ng pamunuan nito.

Positibo si House Speaker Martin G. Romualdez na ikokonsidera ng Senado ang panukalang pag-amyenda sa economic provision ng 1987 Philippine Constitution sa gitna ng pagpapalit ng pamunuan nito.

Ayon kay Romualdez, isinasaalang-alang ng mataas na kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang anumang makabubuti sa publiko na siyang sentro ng economic Charter change.

“The economic amendments to the Constitution, we will leave that up to our friends in the Senate, dun pa naka-pending,” aniya.

“Sa akin naman basta kung anong makakabuti sa taong-bayan, we feel that economic reforms and amendments can do that, I’m sure that the Senate will consider it,” dagdag niya.

Matatandaang tutol si Escudero sa charter change, ngunit nilinaw naman ng senador nitong Lunes na padedebatihan at pagpaplanuhan ng mayorya ng Senado ang desisyon hinggil sa economic Cha-cha.