Romualdez: Kamara tututukan 2025 budget

Bibigyang prayoridad ng House of Representatives ang maaprubahan ang panukalang budget para sa 2025.

Bibigyang prayoridad ng House of Representatives ang maaprubahan ang panukalang budget para sa 2025.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, hinihintay na lang umano nila ang isumite ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang 2025 National Expenditure Program.

Base kasi sa naturang panukala, aabot ng P6.2 trilyon ang ilalaang budget para sa susunod na taon.

“‘Yun ang pinakamabigat at pinakamalaking legislation,” pahayag ni Romualdez.

Samantala, magbubukas ang 19th Congress sa Hulyo 22.

Ito rin ang kaparehong araw ng SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.