Romualdez itinalaga bilang ‘legislative caretaker’ ng 1st district ng Palawan

Itinalaga si House of Representatives Speaker Martin Romualdez bilang legislative caretaker ng first Congressional district ng Palawan.

Itinalaga si House of Representatives Speaker Martin Romualdez bilang legislative caretaker ng first Congressional district ng Palawan.

Ito ay matapos ang pagpanaw ni ni Rep. Edgardo Salvame noong Marso 13.

Nitong Miyerkoles, inilunsad ni Deputy Majority Leader at Isabela 6th District Rep. Inno Dy ang mosyon na nagtatalaga kay Romualdez bilang tagapangalaga sa lehislatura ng naturang distrito.

Agad namang inaprubahan ni Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza ang mosyon nang walang tumutol dito.

Si Romualdez ngayon ay tagapangalaga ng limang distrito sa Kongreso — ang Ika-7 Distrito ng Cavite na iniwan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla; ang Ikatlong Distrito ng Negros Oriental matapos tanggalin sa tungkulin si dating mambabatas Arnie Teves; ang Ikatlong Distrito ng Palawan matapos ang pagkamatay ni Rep. Edward Hagedorn; at ang Ika-anim na Distrito ng Batangas matapos ang pagtatalaga kay Ralph Recto bilang Finance Secretary.