Romualdez inihirit isama libreng TB test sa PhilHealth package

Ipapanukala ng magasawang House Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Rep. Yedda Romualdez sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama sa kanilang libreng diagnostic package ang check-up para sa tuberculosis o TB.

“Most of the time, suspected TB carriers have no means to have themselves tested for TB because of the costs it entails. According to Rep. Garin, ang nangyayari, hindi sila nabibigyan ng gamot kasi hindi nila mapa-test kung puwedeng tumanggap ng gamot ang kanilang kidneys at liver, tapos nakakapanghawa pa ng kapamilya o kapitbahay,” saad ni Speaker Romualdez.

Bilang solusyon sa mahal na TB check-up, hihilingin ng mag-asawang Romualdez kay PhilHealth president Emmanuel Ledesma na isama ang creatinine at SGPT/SGOT test sa kanilang libreng Konsulta package.

Sa Konsulta package ng PhilHealth ay nagbibigay ito ng libreng check-up, diagnostics at gamot sa mga benepisyaryo.

Una nang idinagdag ng PhilHealth sa Konsulta package ang libreng mammography at ultrasound para agad na madiskubre ang breast cancer.