Romualdez: Inflation, trapik sagabal sa pag-unlad

Batid ni House Speaker Martin Romualdez na kailangang maresolba ng bansa ang problema sa inflation at trapik upang maranasan ang tunay na pag-unlad.

Batid ni House Speaker Martin Romualdez na kailangang maresolba ng bansa ang problema sa inflation at trapik upang maranasan ang tunay na pag-unlad.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay pumalo sa 3.7% ang inflation rate ng bansa sa buwan ng Marso, mas mataas kumpara sa 3.4% noong Pebrero.

Ayon sa PSA, ang mga pangunahing produkto na mabilis tumaas ang presyo ay gulay, karne at bigas.

Kaya naman, nagpaalala si Romualdez sa Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, National Irrigation Administration, at mga lokal na pamahalaan na sama-samang kumilos upang matulungan ang mga magsasaka, lalo na sa panahon ng tagtuyot.

“We should have all hands on deck. Irrigation and farm inputs are critical requirements our farmers, especially those producing our staple rice, have to be supported with,” aniya.

Bukod dito, nakikita ni Romualdez na kailangang solusyonan ang trapik sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga istruktura.

“Traffic is a big challenge to our economic growth. It is eating up a lot of precious man-hours, fuel, and money, which could be put to productive use. We have to expand our infrastructure. Maybe, we should build skyways along Edsa and other major roads with private financial support and participation,” dagdag pa niya.

Ang pahayag ni Romualdez ay sang-ayon sa plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagkakaroon ng sistematikong solusyon sa trapik.

“What the President really wants is a comprehensive, holistic approach to solving the traffic problem, hindi ‘yung piecemeal approach as has been the case all these years,” saad ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.