Romualdez inendorso ang P150-M na tulong pinansyal sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Davao Region

Paglalabas ng P150-M sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD pinamamadali ni HS Romualdez para sa mga biktima ng pagbaha at landslide sa Davao Region

Inendorso ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglalabas ng P150-M na tulong pinansyal ng Marcos Administration para sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Davao Region.

Agad namang nagpadala ng 21,000 food packs ang tanggapan ni Romualdez at Tingog Reps Yedda K. Romualdez at Jude Acidre mula sa personal “calamity funds” ng Speaker para sa mga biktima ng pagbaha.

Hiniling din nito sa DSWD ang agad na paglalabas ng 30,000 food packs.

“This is to reassure and let our kababayans in Davao Region know that the government of President Ferdinand R. Marcos Jr. is here and it is doing its best to alleviate their condition. Aid will continue to flow in your areas as you all recover from the adverse effects of the floods,” ayon kay Speaker Romualdez.

Ang P150-M ay magmumula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD.

Tinatayang nasa 45,000 families o 167,000 katao ang naapektuhan ng pagbaha sanhi ng malalakas na pag-ulan sa rehiyon particular na sa Davao Oriental.