Romualdez inabutan ng cash assistance mga magsasaka sa Quezon

Abot sa 4,000 magsasaka sa Quezon Province ang naabutan ng financial assistance sa tulong ni House Speaker Martin Romualdez.

Abot sa 4,000 magsasaka sa Quezon Province ang naabutan ng financial assistance sa tulong ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa Agriculture Convergence Event na ginanap sa Tiaong Convention Center, nanguna si Romualdez sa pamimigay ng ayuda sa ilalim ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“Isang kagalakan na makasama kayo dito ngayon sa okasyong ito. Ang programang TUPAD na ipina-abot sa inyo ngayon ay isa lamang po sa mga inisyatibo ng administrasyon ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr.,” saad ni Romualdez.

Ayon sa lider ng Kamara, ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka ay patunay ng importansyang ibinibigay ng gobyerno sa agriculture sector ng bansa.

“Hindi po nalalayo ang magsasakang Pilipino sa puso ng ating liderato. Kaya nga po’t nabuo ang ganitong mga convergence event,” aniya pa.

Bukod sa cash assistance, ginawaran din ng makinarya ang mga magsasaka na makakatulong sa kanilang hanapbuhay.