Romualdez inaasahang maging caretaker ng Cavite 4th district

Malaki ang tsansang maitalaga si House Speaker Martin Romualdez bilang tagapangalaga ng ika-apat na distrito ng Cavite kasunod ng pagpanaw ng orihinal na kinatawan ng lugar na si Elpidio 'Pidi' Barzaga Jr.

Malaki ang tsansang maitalaga si House Speaker Martin Romualdez bilang tagapangalaga ng ika-apat na distrito ng Cavite kasunod ng pagpanaw ng orihinal na kinatawan ng lugar na si Elpidio ‘Pidi’ Barzaga Jr.

Ayon kay Romualdez, malayo na ang posibilidad na magdaos ng special election para sa papalit kay Barzaga, dahil sa susunod na taon na ang midterm elections.

“Siyempre we can also act as the caretaker for the district,” wika ni Romualdez.

“Kaya malapit na ang eleksyon, one more year prior to the election kaya hindi na tayo pwedeng magkaroon tayo ng special election,” paliwanag ng mambabatas.

“So we will have a caretaker for the district for the time being,” dagdag pa niya.

Ngayong Martes ay inaasahang maitatalaga si Romualdez bilang caretaker ng distrito.

Sa kasalukuyan, tumatayo rin si Romualdez bilang caretaker ng ikatlong distrito ng Negros Oriental, ika-anim na distrito ng Batangas, at sa una at ikatlong distrito ng Palawan.