Romualdez inaasahan pagboto ng kabataan sa 2025 elections

Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kabataan na magparehistro para makaboto sa 2025 midterm elections.

Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kabataan na magparehistro para makaboto sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Romualdez, ang partisipasyon ng kabataan sa eleksyon ay para masigurong matutugunan ang vision ng bansa sa hinaharap.

“The youth are the backbone of our nation’s future. Their active participation in the upcoming elections is crucial in ensuring that their concerns, aspirations, and vision for the country are represented and addressed by our leaders,” sabi ni Romualdez.

Nais ni Romualdez na magkaroon ng voter registration drive at awareness campaign sa iba’t ibang komunidad.

Nagbukas na ang voter registration ng Commission on Elections nitong Pebrero, na tatagal hanggang September 30.