Romualdez: Imelda Marcos stable na kondisyon

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na stable na ang kondisyon ni former First Lady Imelda Marcos.

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na stable na ang kondisyon ni former First Lady Imelda Marcos.

Ayon kay Romualdez, mayroon pa ring slight pneumonia ang Marcos matriarch pero umaayos na ang kalagayan nito.

Dagdag pa ni Romualdez, nasa ospital pa rin ang kanyang tiyahin dahil under observation pa ito.

“I understand na nag-normalize na yung temperature nya but syempre under observation pa rin dahil mayroon siyang kaunting pneumonia…. Pero very very stable,” lahad ni Romualdez.

“She’s recovering. Maraming, maraming salamat sa concern ninyo,” aniya pa.

Matatandaan na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagkaroon ng lagnat at pneumonia ang kanyang ina habang siya ay nasa Australia para sa ASEAN Summit.

Pagbalik sa Pilipinas noong Miyerkoles ay dumiretso ang Pangulo sa ospital para makumusta si Imelda.