Romualdez ikinatuwa $4-B German deal: International community, bilib sa Pinas!

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng matagumpay nitong pagkamit ng investment deal mula sa bansang Germany na umabot sa 4 billion US dollars.

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng matagumpay nitong pagkamit ng investment deal mula sa bansang Germany na umabot sa 4 billion US dollars.

Sa isang joint press conference ngayong Martes, sinabi ni Romualdez na ang pag-selyo sa investment mula Germany ay patunay lamang ng dedikasyon ni Marcos na paunlarin ang ekonomiya ng bansa.

“This accomplishment not only reflects President Marcos’ dedication to advancing our nation’s economic growth but also underscores his steadfast commitment to serving the Filipino people,” aniya.

Kalakip ng investment deal ang tatlong letter of intent (LOI), dalawang memoranda of agreement, at tatlong memoranda of understanding mula sa iba’t-ibang kompanya sa Germany.

Tiwala si Romualdez na ang pag-invest ng mga kompanya mula Germany sa Pilipinas ay magdudulot ng mas magandang buhay para sa mga Pilipino.

“With the global economy becoming increasingly interconnected, attracting foreign investments is paramount to driving sustainable development and fostering prosperity in the Philippines. President Marcos’s successful negotiations in Germany signal a vote of confidence from the international community in our country’s economic potential and stability,” dagdag pa ng house speaker.