Romualdez ikinagalak pagpuri ni PBBM sa Kamara

Ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang pasasalamat matapos purihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang House of Representatives dahil sa kanilang pagkakaisa.

Ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang pasasalamat matapos purihin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang House of Representatives dahil sa kanilang pagkakaisa.

Kabilang sa kanilang sinuportahan ay ang Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks, and Families (PAFF) payout at Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).

“On behalf of the House of Representatives, I would like to express our gratitude to President Marcos, Jr. for highlighting our unity and commitment in support of his initiatives such as the PAFF and the Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, among others, to bring government services closer to our people,” pahayag ni Romualdez.

Dahil dito, sinabi rin ni Romualdez na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan upang maging matagumpay ang mga programa ni Pangulong Marcos.

“As Speaker of the House of Representatives, I vow to continue my unwavering support for the administration of President Marcos, Jr. and his pro-people programs. Together, we will strive to implement policies and projects that uplift the lives of every Filipino, ensuring that no one is left behind as we progress towards a more resilient and prosperous nation,” dagdag pa nito.