Romualdez: Hindi mababahiran ng pulitika ang MIF dahil sa pag-repaso ni PBBM

Ang Board of Directors na hahawak sa Maharlika Investment Fund ay kinabibilangan ng mga respetadong pinuno sa public at private sectors.

Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na ang nirepasong implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund ay sapat na upang maproteksiyunan ito laban sa mga may balak na mamulitika dito.

“This move is a significant step towards enhancing corporate governance and ensuring that the MIF is managed with the utmost transparency and accountability,” saad ni Romualdez sa mga pagbabago sa IRR na layunin aniyang panatilihing independent ang Board of Directors ng MIF.

“The autonomy of the Board allows for more objective and effective decision-making, free from undue political influence. This is crucial in overseeing a fund of this magnitude, which is pivotal to our nation’s economic growth,” dagdag pa ng Speaker.

Bukod pa riyan, ang Board of Directors aniya ay kinabibilangan ng mga respetadong pinuno sa public at private sectors, kung kaya’t tiwala ang Speaker na magiging malaking tulong ang MIF sa taumbayan.