Romualdez hanga sa puso ng Gilas

Hanga si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa determinasyon at puso ng Gilas Pilipinas.

Hanga si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa determinasyon at puso ng Gilas Pilipinas.

Ito ay kahit na bigo ang Gilas Pilipinas na makapasok sa Olympics matapos talunin ng World No. 12 Brazil sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

“The journey of Gilas Pilipinas in this tournament has been nothing short of inspirational. Their victory against Latvia, a European team, was a historic moment for Philippine basketball and a testament to the team’s resilience and capability,” pahayag ni Romualdez.

“Although our bid for the Olympics ended, our players have proven their mettle by going toe-to-toe with world-class athletes and making every Filipino proud,” dagdag ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na ang mga dikit na laban sa mga koponang tulad ng Georgia at Brazil, kung saan muntik nang manalo ang Gilas Pilipinas sa ilang puntos lamang, ay nagpapakita ng competitive na kakayahan at malaking potensyal ng mga atletang Fiilipino.

“These games have shown that with perseverance, strategic play and unity, we can hold our own against higher-ranked opponents. This experience will undoubtedly serve as a foundation for future successes,” ayon kay Romualdez.

Pinuri din niya ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas, si Coach Tim Cone, at ang buong coaching staff para sa kanilang natatanging pamumuno at dedikasyon.

“Their guidance and strategies have been pivotal in the team’s performance, bringing out the best in our players and instilling a sense of pride and confidence. The discipline and hard work that went into each game are truly commendable,” ayon pa sa lider ng Kamara.