Romualdez: Gobyerno gagawin lahat para protektahan mangingisdang Pinoy sa WPS

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na hindi mapapahamak ang mga mangingisdang Pinoy sa ilalim ng Marcos administration.

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na hindi mapapahamak ang mga mangingisdang Pinoy sa ilalim ng Marcos administration.

Ito’y kahit pa lumalala ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa issue sa West Philippine Sea.

Saad ni Romualdez, poprotektahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga mangingisda na lumalaot sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas, kabilang na ang mga nangingisda sa Bajo de Masinloc.

“We will use all the powers we have to keep them safe,” lahad ni Romualdez.

Ito’y kasunod ng ipapairal ng China na arestuhin ang sinumang mangte-trespass sa umano’y teritoryo nila sa South China Sea.

Giit ni Romualdez, mali na tawaging trespasser ang mga Pinoy dahil kung tutuusin ay ang mga Chinese aniya ang iligal na pumapasok sa teritoryo ng Pilipinas.

“Our countrymen cannot be considered as trespassers. It is the Chinese and other foreigners illegally entering our maritime waters under international law who will be treated as intruders,” diin ni Romualdez.