Romualdez, Escudero pag-uusapan na mga tututukang batas

Nakatakdang magsagawa ng pagpupulong sina House of Representatives Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Francis Escudero sa Huwebes.

Nakatakdang magsagawa ng pagpupulong sina House of Representatives Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Francis Escudero sa Huwebes.

Dito ay tatalakayin ng dalawa ang mga proyekto at programang kanilang tututukan para sa huling bahagi ng 19th Congress.

Sa ginanap na pagdiriwang ng ika-126 Independence Day celebration sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan, sinabi ni Romualdez na handang makinig ang Kamara sa mga suhestiyon ng Senado para mapabuti ang Pilipinas.

“Bukas, magkakaroon tayo ng meeting, at syempre, tatalakayin ang priority legislative agenda,” wika ni Romualdez.

“Sa totoo lang po, sa House of Representatives, tapos na at naipasa natin lahat ng priority measures ng ating mahal na Presidente, lalo na ‘yung SONA (State of the Nation Address) measures at LEDAC (Legislative-Executive Development Advisory Council). Pero syempre, bago ang leadership ngayon at baka may bagong priorities na irerekomenda rin, kaya papakinggan natin po ‘yun,” dagdag pa niya.

Samantala, ang huling regular session ng 19th Congress ay magbubukas muli sa Hulyo 22.