Romualdez enjoy sa Bicol Loco Festival, buo suporta sa mga proyekto sa Region V

Kaisa si House Speaker Martin Romualdez sa mga proyektong ikinasa sa rehiyon ng Bicol.

Kaisa si House Speaker Martin Romualdez sa mga proyektong ikinasa sa rehiyon ng Bicol.

Isa na rito ang pagsuporta ni Romualdez sa kauna-unahang Bicol Loco Festival, na inorganisa ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Saad ni Romualdez, malapit sa kanya ang Bicol dahil sa patuloy na pakikiisa ng Bicolano sa mga proyekto ng Kamara.

“Bicol Region, especially Albay, is close to my heart. Bicolanos have always been supportive of the work we do, in and outside of the Congress,” saad ni Romualdez.

Sa ilalim ng Marcos administration ay naaabutan ng tulong ang Bicol, kabilang na ang mga proyekto tulad ng legacy specialty hospitals, legacy food security at legacy housing,

Itinatayo na ang speciality hospitals sa Bicol Regional Hospital and Medical Center na malaking tulong sa kalusugan ng mga Bicolano.

“Pag nakumpleto, magkakaroon na ang Bicol ng sariling heart center, lung center, kidney center at iba pang specialized medical center,” saad ni Romualdez.

“Hindi na kailangang pumunta sa Maynila ang mga Bicolano para maka-avail na specialty medical services,” aniya pa.

Para naman sa food security, naglaan ng pondo ang gobyerno para mapagkalooban ang mga magsasaka ng pananim, fertilizer at machinery.

Samantala, nagpasalamat naman si Co sa suportang pinagkaloob ni Romualdez sa Bicol Loco Festival at sa iba pang proyekto sa Bicol.

“Thank you, Speaker Martin, for taking care of us Bicolanos. Nakakataba ng puso! The Bicol Loco Festival would not have been possible without your support,” wika ni Co.

“From your staunch support of our tourism efforts to the construction of legacy hospitals in the region, Bicolanos can look forward to a bright future because of you. Dios mabalos!” saad pa niya.