Romualdez dinayo Oriental Mindoro para iabot libreng bigas, tulong pinansyal

Personal na nagtungo si House Speaker Martin Romualdez sa Oriental Mindoro para magpaabot ng tulong sa mga residente.

Personal na nagtungo si House Speaker Martin Romualdez sa Oriental Mindoro para magpaabot ng tulong sa mga residente.

Sa ilalim ng Cash and Rice Distribution (CARD) program katulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay natugunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino.

“Nakikita natin, ito ang isa sa pinaka-popular na programa handog ng ating gobyerno through the DSWD sa direksyon po ng ating mahal na Presidente (Ferdinand) R. Marcos Jr,” wika ni Romualdez.

“Ako bilang leader ng House of Representatives, ‘yun talaga ang gusto natin. Mapi-feel natin, makikita natin kung ano talaga ang mga kailangan ninyo kasi ‘yun talaga ang trabaho natin, serbisyo sa mamamayan,” saad pa ni Romualdez.

Ilang probinsya na ang nabisita ni Romualdez para masigurong matatanggap ng mga benipisyaryo ang ayuda mula sa CARD program.

Umabot na ang CARD sa ilang lugar tulad sa Iloilo, Siquijor, Zambales, Bukidnon at iba pa.