Romualdez: Dadalhin ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa 82 probinsya ng bansa

Makakaabot ang serbisyo ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, ayon kay House Speaker Martin Romualdez

Dadalhin ng gobyerno ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF)—ang malakihang serbisyo caravan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.—sa lahat ng 82 na probinsya ng bansa matapos ang matagumpay na launching nito, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Ibinahagi ni Romualdez ang balita sa mga mamamahayag matapos ilunsad ang BPSF sa Leyte kasama ang mga opisyal ng gobyerno doon.

“Ipinakita rin naman na ang gobyerno po ng ating mahal na Presidenteng BBM ay nandito, very, very active, very much present. Iyan ang sinasabi ng ating Bagong Pilipinas Serbisyo Fair,” ani Romualdez.

“Iyan ang napakagandang balita, lahat po ng mga beneficiary ay natutuwa. At nagpapasalamat tayo sa lahat ng ahensya at departamento na tumulong dito sa atin sa Tolosa. Napaka-successful,” aniya.

Habang nasa Leyte si Romualdez, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang BPSF launch sa Nabua, Camarines Sur, habang si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos naman ang namuno sa BPSF-Laoag, at Special Assistant to the President Anton Lagdameo ang nanguna sa BPSF-Monkayo, Davao de Oro.

“The Serbisyo Fair truly breathed life into the aspirations of President Ferdinand ‘Bongbong’ Romualdez Marcos Jr. to bring so many government programs within the reach of people who may not have the means to avail of these benefits,” ani Romualdez.

“I am truly proud of what we have accomplished here, from our dry run in Biliran to our ambitious and simultaneous grand launch in four provinces. We could not have done this without the vision of our

President,” dagdag pa ng opisyal.