Romualdez bumilib sa suportang nakuha ni Marcos sa WPS dispute

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakuhang suporta mula sa Czech Republic para sa issue sa West Philippine Sea (WPS).

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nakuhang suporta mula sa Czech Republic para sa issue sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y nangyari sa bilateral meeting ni Marcos at Czech Republic President Petr Pavel.

Sa naturang pagpupulong ay pinaabot ni Pavel ang suporta sa Pilipinas para sa kalayaan ng Pilipinas na maglayag sa WPS.

“The exceptional diplomatic efforts of President Marcos paid off with the expression of full support of President Pavel to the stance of the Philippines in defense of our right and sovereignty in the West Philippine Sea,” ayon kay Romualdez.

“Support from countries like the Czech Republic significantly reinforces the Philippine position and amplifies the international voice dismissing China’s sweeping claims over the area. It could also help promote a rules-based approach to resolving maritime disputes by international law, particularly the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” aniya pa.

Si Romualdez ay kasama ni Marcos sa Europa para sa apat na araw na state visit nito.