Romualdez bumilib sa mabilis na aksyon sa dagdag senior citizen, PWD discount

Nagalak si House Speaker Martin Romualdez sa naging mabilis na aksyon ng ilang kagawaran para mapataas ang discount ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWD).

Nagalak si House Speaker Martin Romualdez sa naging mabilis na aksyon ng ilang kagawaran para mapataas ang discount ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWD).

Partikular na pinuri ni Romualdez sina Secretary Alfredo Pascual, Undersecretary Carolina Sanchez at ang team nito sa Department of Trade and Industry (DTI).

“The swift action taken by these departments to increase the discounts for our senior citizens and PWDs is not just a victory for these groups but a triumph for all ordinary Filipinos,” lahad ni Romualdez.

Aniya, ang P500 na dagdag diskwento sa mga PWD at senior citizen ay maganda para magkaroon ng mas mataas na purchasing power ang mga Pinoy.

“By increasing the purchasing power of our senior citizens and PWDs, we are indirectly benefiting their families and the broader community. These savings can be redirected to other essential needs, contributing to the overall economic health of our nation,” saad ni Romualdez.

Matatandaan na inanunsyong DTI na mula P65 kada linggo, ay magiging P125 na ang discount ng mga PWD at senior citizen sa pagbili ng mga grocery item.

“Through these concerted efforts, we are making strides towards a more inclusive, caring, and prosperous Philippines where the benefits of development are felt by every Filipino,” sambit pa ng House Speaker.