Romualdez binati Imelda Marcos sa kanyang 95th birthday

Nagpaabot ng pagbati si House Speaker Martin Romualdez para sa ika-95 taong kaarawan ng dating First Lady Imelda Marcos.

Nagpaabot ng pagbati si House Speaker Martin Romualdez para sa ika-95 taong kaarawan ng dating First Lady Imelda Marcos.

“Warmest birthday greetings to the esteemed Imelda Romualdez-Marcos!” wika ni Romualdez sa kanyang Facebook post.

Inilarawan nito ang dating Unang Ginang bilang isang babae na may katatagan at dedikasyon sa bayan.

Ayon pa kay Romualdez, patuloy na nagbibigay inspirasyon at pag-asa ang legasiya ng dating First Lady.

“Today, we celebrate a woman of unparalleled grace, resilience, and dedication to our nation.

“Your legacy continues to inspire and uplift us all,” dagdag ni Romualdez.

Si Imelda Marcos ay tiyahin ni Romualdez.

Nauna nang nagpaabot ng pagbati sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos.