Romualdez aprub sa pag-apura ni Marcos sa Rice Tarrification Law

Nagalak si House Speaker Martin Romualdez sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos na gawing urgent ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL).

Nagalak si House Speaker Martin Romualdez sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos na gawing urgent ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL).

Ayon kay Romualdez, ang pagmamadali ng Pangulo para maging ganap na batas ang RTL ay makatutulong para sa kabuhayan ng mga magsasakang Pinoy.

“The certification of this bill as urgent by President Marcos is a critical step forward in our concerted efforts to improve the livelihood of our local farmers and ensure food security for all Filipinos,” saad ni Romualdez.

“This amendment will allow us to address the challenges and limitations of the current law, ensuring that it serves the best interest of the agricultural sector and the consumers,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng RTL, bibigyan muli ng mandato ang National Food Authority (NFA) na makapagbenta ng murang bigas.

“By adjusting the framework for rice importation and enhancing the role of the National Food Authority in the market, we can better protect our rice prices from the volatility caused by international markets and the predatory practices of some traders,” paliwanag ni Romualdez.

“This will lead to more stable and predictable pricing for consumers while ensuring farmers receive a fair price for their produce,” aniya pa.

Nanawagan si Romualdez sa mga kapwa niya mambabatas na suportahan ang RTL para maabot ang abot-kayang presyo ng bigas sa merkado.