Romualdez: 2M kilos ng bigas, P250M cash assitance ipinamahagi sa Eastern Visayas

Naglaan ang pamahalaan ng higit sa dalawang milyong kilo ng bigas at P250 milyong cash assistance sa Eastern Visayas.

Naglaan ang pamahalaan ng higit sa dalawang milyong kilo ng bigas at P250 milyong cash assistance sa Eastern Visayas.

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang 83,000 benepisyaryo ay kabilang sa ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD).

Nilinaw din ni Romualdez na target din ng programa at ng pamahalaan ang iba pang lugar sa buong bansa.

“Ang programa pong ito ay masusi nating pinag-aralan para makapagbigay ng ginhawa sa ating mga mamamayan. Buong Pilipinas po ang target natin sa CARD, at isusunod na po natin ang ibang lugar na hindi pa natin napuntahan. Saan man kayo, aabutin kayo ng ating pamahalaan,” pahayag ni Romualdez.

Aniya, ito umano ang pinakamalaking CARD Program distribution simula nang ilunsad natin ito noong 2023.

“Makakaasa kayo na mas palalakihin at palalakasin pa natin ang programa para mas maraming Pilipino ang makinabang sa bigas at ayuda mula sa gobyerno,” dagdag pa nito.