Rommel Padilla dasal na magkabalikan ang ‘KathNiel’

Hinihiling umano ni Rommel Padilla sa Maykapal na magkabalikan ang anak niyang si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo.

Hinihiling umano ni Rommel Padilla sa Maykapal na magkabalikan ang anak niyang si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo.

Sa isang video na ipinost sa TikTok, sinabi ni Rommel na normal lang naman sa magkarelasyon ang dumaan sa pagsubok.

Kaya naman, umaasa siya na malalampasan ng dalawa ang kanilang pinagdaraanan at muling mabubuo ang kanilang relasyon.

“Talagang nangyayari ‘yan eh. Dumadating ‘yung puntong nagkakasubukan,” saad ni Rommel.

“Pero para sa akin, I still pray na sana dumating ‘yung panahon na magkita sila ulit, magkaunawaan dahil napakalaking panahon ‘yung nilaan nila sa pagmamahalan nila,” aniya pa.

“Kaya ipinagdarasal ko na sana manumbalik pa ang kanilang pagmamahalan,” dagdag pa ni Rommel.

Nobyembre ng nagdaang taon nang isapubliko nina Kathryn at Daniel ang kanilang hiwalayan matapos ang 11 taon.

Nitong mga nakaraang linggo ay umugong ang mga balitang nag-uugnay kay Kathryn sa mga aktor na sina Alden Richards at Jericho Rosales.