Rollback sa presyo ng petrolyo epektibo sa Marso 12

Inaasahang magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng mga petrolyo sa Martes, Marso 12.

Inaasahang magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng mga petrolyo sa Martes, Marso 12.

Ayon sa SeaOil, PetroGaz, CleanFuel, at Shell ang Diesel ay bababa ng P0.25 bawat litro, habang ang Gasolina naman ay magkakaroon ng P0.50 na pagbaba bawat litro.

Bukod dito, magkakaroon rin ng P0.30 na pagbaba kada litro sa presyo ng Kerosene.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay tumaas ang presyo ng gasolina ngunit ibinaba naman ang presyo ng diesel at kerosene ng mga local oil companies.