Rollback sa petrolyo nakaamba

Magandang balita para sa mga motorista dahil magkakaroon ng tapyas-presyo sa presyo sa produktong petrolyo simula Martes.

Magandang balita para sa mga motorista dahil magkakaroon ng tapyas-presyo sa presyo sa produktong petrolyo simula Martes.

Naglabas ng abiso ang Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Seaoil, at Shell na mababawasan ng P0.75 sa presyo ng gasolina at P0.90 kada litro sa presyo ng diesel.

Nakatakda ring tapyasan ng Caltex, Seaoil, at Shell ang presyo ng kerosene ng P1.05 kada litro.

Ayon sa OilPrice.com, may namumuong positibong galaw sa pandaigdigang merkado sa kabila ng mga tensyon sa Middle East.