Robin tiwalang kakampi kay Quiboloy si Mark Villar

Positibo si Senador Robin Padilla na isa si Senador Mark Villar ang pipirma sa objection letter laban sa contempt order kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church leader Pastor Apollo Quiboloy.

Positibo si Senador Robin Padilla na isa si Senador Mark Villar ang pipirma sa objection letter laban sa contempt order kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Padilla, nasa 51% ang tiyansa na pumirma ang kanyang kapwa senador.

Ito ay dahil nakasama niya umano si Villar sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NFT-ELCAC).

“Sa Lunes po magkakaa-alam-alam po ‘yan, pero ako po naniniwala naman na si Senator Mark Villar ay maaari, siguro, meron pong masasabi ko na 51% na pumirma,” pahayag ni Padilla sa isang panayam.

“Sapagkat magkakasama po kami sa panahon ng lumalaban sa komunista, dahil parte po ang opisina niya dati sa NTF-ELCAC, so magkakakilala po kami,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong Marso 7, kasama sa mga lumagda sa objection letterng contempt order laban kay Quiboloy sina Senador Imee Marcos, Senador Bong Go, Senador Cynthia Villar, at Senador JV Ejercito na kalaunan lang ay binawi rin ang kaniyang unang desisyon.