Robin sa imbestigasyon kay Quiboloy: Masyadong magastos!

"Parang masyadong magastos."

“Parang masyadong magastos.”

Ito ang inihayag ng mambabatas na si Robin Padilla sa press conference ngayong Huwebes, Marso 7, matapos ilabas ang contempt order laban sa Pastor na si Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Padilla na hindi dapat imbestigahan ng dalawang sangay ng pamahalaan ang lider ng Kingdom of Jesus Christ, na humaharap ngayon sa kasong sexual abuse, forced labor, at qualified trafficking.

Sinabi ng mambabatas na masyado umano itong magastos para sa gobyerno.

Samantala, kabilang sa mga tumutol sina Sen. Cynthia Villar, Christopher “Bong” Go, at Imee Marcos, habang binawi naman ni Ejercito ang kanyang lagda sa manifesto laban sa contempt order kay Quiboloy.