Robin Padilla umaming may ‘kabit’, Mariel nawindang

Muntik nang gumuho ang mundo ni Mariel Rodriguez-Padilla matapos aminin ng kanyang asawang si Sen. Robin Padilla na siya ay may 'kabit.'

Muntik nang gumuho ang mundo ni Mariel Rodriguez-Padilla matapos aminin ng kanyang asawang si Sen. Robin Padilla na siya ay may ‘kabit.’

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Mariel ang ilang screenshot sa naging pag-uusap nila ni Robin.

Mapapansin na ang bungad ng senador ay may aaminin ito, na ikinabahala ni Mariel.

“Babe patawarin mo ako,” saad sa mensahe ni Robin.

“Girlfriend ko babe. Naglabas na ng ebidensya kahapon. Alam na ng buong mundo,” dugtong pa nito.

Nang todo na ang kaba ni Mariel, ipinadala ni Robin ang link sa bagong kanta ni Taylor Swift na ‘Robin’ ang titulo.

“Inamin na ni Taylor Swift ang aming relasyon sa pamamagitan ng kanta,” dagdag pa ng senador.

Dito na nakahinga nang maluwag si Mariel.

“Bakit gusto mo ako mamatay? Mamatay na ako. Ikaw talaga,” sagot ng TV show host.

Sinabi rin ni Mariel na papakinggan niya ang naturang kanta.

Benta naman sa mga netizen ang naging prank ni Robin.