Robin Padilla pumalag sa pagpapaaresto kay Apollo Quiboloy

Kinontra ni Senador Robin Padilla ang pagpapaaresto ni Senadora Risa Hontiveros kay Pastor Apollo Quiboloy matapos nitong isnabin ang hearing sa Senado.

Kinontra ni Senador Robin Padilla ang pagpapaaresto ni Senadora Risa Hontiveros kay Pastor Apollo Quiboloy matapos nitong isnabin ang hearing sa Senado.

Nagtungo si Padilla sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality para tutulan ang pag-cite in contempt kay Quiboloy.

“Ipagpaumanhin po ninyo, akin pong tinututulan ang pasya na ma-contempt si PACQ. With all due respect,” wika ni Padilla.

Pinaliwanag naman ni Hontiveros na kailangang majority ng mga miyembro ng committee ang pwedeng magbaliktad ng desisyon na i-contempt si Quiboloy.

May pitong araw si Padilla para kumbinsihin ang ibang mambabatas na parte ng kumite na pinamumunuan ni Hontiveros para hindi matuloy ang pagpapaaresto kay Quiboloy para humarap ito sa Senado.