Robin Padilla nais ipa-persona non grata Aussie senator na nambastos kay PBBM

Kinondena ni Senador Robin Padilla ang ginawa ng isang Australian lawmaker na umano'y pambabastos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinondena ni Senador Robin Padilla ang ginawa ng isang Australian lawmaker na umano’y pambabastos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa inihain na Senate Resolution No. 944 ni Padilla, hinimok niya ang Department of Foreign Affairs na ideklarang persona non grata sa Pilipinas si Australian senator Janet Rice.

Ito’y matapos itong magtaas ng placard na may nakasulat na ‘Stop the Human Rights Abuses’ habang nagtatalumpati si Marcos sa harap ng Australian parliament.

“Resolved by the Senate, as it is hereby resolved, to condemn Australian Sen. Janet Rice and to urge the Department of Foreign Affairs to declare her as persona non grata for her unparliamentary behavior during President Ferdinand Romualdez Marcos Jr.’s address before the Australian Parliament in Canberra,” saad sa resolusyon ni Padilla.

Paglalarawan ni Robin, ‘unparliamentary behavior’ daw ang ginawa ni Rice kay Marcos.

Nang itaas ni Rice ang placard ay inutusan siya na lisanin ang chamber dahil sa ‘disorderly behavior.