Robin Padilla gusto kalkalin dahilan ng SMNI suspension

Nais ni Senador Robin Padilla na maimbestigahan ang pagsuspende sa Sonshine Media Network International (SMNI).

Nais ni Senador Robin Padilla na maimbestigahan ang pagsuspende sa Sonshine Media Network International (SMNI).

Matatandaan na inutos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagsuspende sa pag-ere ng SMNI matapos nilang hindi sundin ang 30 day suspension ng Kamara.

Ayon kay Padilla, walang basehan umano ang suspension sa operasyon ng SMNI at nakokompromiso raw ang press freedom.

“The imposition of baseless suspension orders on SMNI not only constitutes a denial of due process but also an erosion of press freedom,” ayon kay Padilla.

Dahil diyan ay nais niyang magsagawa ng Senate inquiry tungkol sa suspensyon sa ilalim ng kanyang hinahawakang Committee on Public Information and Mass Media.

Lahad ni Robin, hindi naipaliwanag ng NTC kung anong naging dahilan ng pagsuspende sa operasyon ng SMNI.

Noong January ngayong taon pinag-utos ng NTC ang pagtigil sa ere ng SMNI, na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy.