Robin, humingi ng tawad sa Senado sa pa-drip session ni Mariel

Pormal na humingi ng tawad sa mga opisyal ng Senado si Senador Robinhood Padilla kaugnay ng kontrobersyal na drip session ng kanyang maybahay na si Mariel Rodriguez-Padilla sa loob ng kanyang opisina.

Pormal na humingi ng tawad sa mga opisyal ng Senado si Senador Robinhood Padilla kaugnay ng kontrobersyal na drip session ng kanyang maybahay na si Mariel Rodriguez-Padilla sa loob ng kanyang opisina.

Sumulat si Robin kay Medical and Dental Bureau chief Dr. Renato DG Sison at Senate Sergeant-at-Arms Lt. Gen. Roberto Ancan (Ret) ngayong Lunes upang humingi ng tawad.

Sa kanyang liham, sinabi ni Robin na hindi intensyon ng kanyang asawa na bastusin ang Senado o labagin ang protocol nito at mga alituntuning pangseguridad.

Kailanman po ay hindi ko naisip na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na alituntunin ukol sa seguridad ng Senado, lalo’t higit ang hindi pagbibigay-galang sa ating institusyon,” ani Robin sa liham niya kan Ancan.

“Nais ko pong bigyan ng diin na wala pong intensyon ang aking maybahay na ipagwalang-bahala ang mga umiiral na patakaran ng Medical Bureau,” saad ni Robin sa liham kay Sison.

Siniguro naman ng Senador na hindi na mauulit ang pangyayari.

Inulan ng batikos si Mariel matapos mag-post sa kanyang Instagram account ng larawan habang tumatanggap ng Vitamin C drip sa loob ng opisina ni Robin. Binura niya rin ang post kalaunan.