Robin handang maging lider ng watak-watak na PDP

Inamin ni Senador Robin Padilla na nakahanda siyang tanggapin ang pagiging presidente ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na patuloy na nahaharap sa isyu ng pagkakawatak-watak.

Inamin ni Senador Robin Padilla na nakahanda siyang tanggapin ang pagiging presidente ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na patuloy na nahaharap sa isyu ng pagkakawatak-watak.

“Ito po ay bumabagsak lang lahat sa harap ko. At kung nakikita ko po na makakagawa ako ng maganda at puwede akong makatulong sa kapwa ko Pilipino ay tatanggapin ko,” ayon bagutong senador.

Nananatiling chairman ng partido si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang napipinto naman ang pagbibitiw ni Congressman Pepito Alvarez bilang national president.

Nauna nang sinabi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na inaasahang papalit kay Alvarez si Padilla.

Ang pagpapalit ng liderato ay kasunod na rin ng sunod-sunod na pagbibitiw ng ilan sa kanilang mga miyembro.

Binigyang-diin ni Padilla na ang kanyang pag-upo sa posisyon ay tinatalakay pa lamang sapagkat gusto niyang maging malinaw para sa kanya kung ano ang magiging plano ng partido.