Risa Hontiveros: Kaso ng DOJ vs Quiboloy, malaking tagumpay

Pinuri ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Justice (DOJ) dahil sasampahan nila ng kaso si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Hontiveros, ang kasong qualified trafficking at child abuse laban kay Quiboloy ay regalo sa mga kababaihang minaltrato ni Quiboloy ngayong National Women’s Month.

“Isang napakalaking tagumpay ito para sa bawat babaeng inalipusta at sinamantala ni Apollo Quiboloy,” wika ni Hontiveros.

Aniya pa, ito ang una hakbang para makamit ng mga biktima ni Quiboloy ang hustisya at kapayapaan.

Matatandaan na naglabas na ng subpoena ang Senado at Kamara para mapilitang dumalo si Quiboloy sa committee hearing ng mga mambabatas.

Nakatakda bukas, March 5, ang pagpapatuloy ng hearing para sa mga reklamong inihain laban kay Quiboloy.

“The Senate will continue with its mandate to investigate, in aid of legislation, the decades-long abuses perpetrated by Quiboloy. We will ensure that these inquiries will result in strengthened laws for our women, our children, and the most vulnerable among us,” ayon kay Hontiveros.