Rider, sugatan matapos na sumemplang para iwasan ang asong tumatawid sa dimasalang

Panawagan ng awtoridad sa mga mayroong alagang aso na maging responsable at para naman sa mga motorista marapat lamang na maging mas alerto kapag nagmamaneho.

MASBATE – Sugatan ang isang delivery rider matapos maaksidente ang minamanehong motorsiklo sa kalsadang sakop ng Barangay Balocawe, Dimasalang, Masbate pasado alas-7:00 umaga nitong Miyerkules, Disyembre 20.

Kinilala ang biktimang si Daryl Ken Almanzor, residente ng Purok 7, Barangay Balocawe, Dimasalang, Masbate.

Ayon kay Karl Arigola, ang Operations and Warning Officer ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Dimasalang, papasok na sana sa trabaho ang biktima nang maaksidente ito matapos mabangga ang asong biglang tumawid sa naturang kalsada.

Maswerteng minor injuries lamang ang tinamo ng biktima na agad namang idinala sa Moises Espinosa Memorial Municipal Hospital.

Panawagan ni Areola sa mga mayroong alagang aso na maging responsable at para naman sa mga motorista marapat lamang na maging mas alerto kapag nagmamaneho.