Rider, patay sa hit and run sa CamNorte

Sumuko ang driver sa stasyon ng pulis sa Jose Panganiban, at nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide.

LABO- Dead on the Spot ang isang motorcycle rider ng mahit and run mag aalas-5 ng umaga sa Barangay Talobatib sa bayan ng Labo nitong Lunes, October 2, 2023.

Kinilala ang biktima na si Alexander Bitancor y Manares, 57 anyos at tanod sa naturang lugar.

Sa impormasyon, tinatahak ng biktima ang naturang kalsada ng banggain ito ng nasa likod na Mitsubishi Montero na agad naman na tinakasan ang insidente at piniling sumuko sa Jose Panganiban Municipal Police Station.

Kinilala ang driver ng nakabanggang Montero na si Arsen Ramos y Rivera, 50 anyos ng Barangay Rosa Sur, Jose Panganiban.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang kakaharaping asunto ng suspek.