Rider, patay sa hit-and-run sa Camarines Sur

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang truck na nakabangga sa biktima dahil madilim ang lugar at walang CCTV doon.

CAMARINES SUR- Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang motorista matapos na ma-hit and run ng isang truck sa bayan Minalabac alas-9:00 ng gabi nitong Sabado, Setyembre 23, 2023.

Kinilala ang 31-anyos na biktimang si Domingo Pellosis Baldivino ng Barangay May-Ogob, bayan ng Ocampo

Ayon kay Capt. Daisy Angeles, Deputy Chief of Police ng Minalabac Municipal Police Station, bukod sa madilim ang lugar, wala rin diumanong lumulutang na testigo sa pangyayari at posibleng ginamit ring pagkakataon ng driver truck upang makatakas ang krimen.

Napag-alamang mayroong CCTV sa lugar subalit malabo ang kuhang footage na isa sa mga nagpapahirap diumano sa imbestigasyon.

Sakali namang mahuli na, kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang kakaharaping kaso ng salarin.