Rider na nanaksak ng gulong, lagot sa LTO

Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng show cause order ang may-ari ng motor na naispatan sa isang video na nanaksak ng gulong ng isang L300 van.

Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng show cause order ang may-ari ng motor na naispatan sa isang video na nanaksak ng gulong ng isang L300 van.

Ibinahagi ni dating Barbaza, Antique mayor Pingping Francisco sa kanyang X account (dating Twitter) ang kopya ng show cause order laban kay Alvin John Tabor.

Si Tabor ang registered owner ng Yamaha Sniper na may plakang 851QBN.

Sa isang viral video, tila may nakainitan ang driver ng naturang motor na tsuper ng isang L300 van. Tumabi ang rider sa may harap ng van at tsaka kumuha ng panaksak para saksakin ang gulong ng naturang sasakyan. Umalis agad ang rider at mapapansing na-flat ang unahang gulong ng L300.

Kaya naman, iniimbitahan ng LTO si Tabor at kung sino man ang nagmaneho ng kanyang motor sa nabanggit na viral video.

Kailangan nilang humarap sa LTO sa Lunes, Marso 25.